Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2)

annime (1)

Nauna ko nang nai-blog ang tatlo (part 1) sa mga pinakasikat na Anime  na naging paborito ng halos lahat ng mga bata noon. Heto ang ilan pa sa mga walang kamatayang Anime na tumatak at patuloy ng nakataktak sa ating isipan hanggang pagtanda.

GHOST FIGHTER

2 (1) Yu-Yu Hakusho OVA version (for blog) (1)

YuYuHakusho5 (1)

Eugene, Dennis, Vincent at Alfred… for sure tanda niyo ang mga mga pangalan na yan. Ilang beses ba naman pinaulet ulet ng ipalabas ng GMA7 yan. Saulado ko pa nga ang opening theme song niyan (sample sample sample) …ah basta ang dulo niya ♩♪ARIGA TOYO MANSI WAH!♪♫ Pero mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, maganda ang istorya nito na siyang kinahumalingan ng kuya ko habang kumakain ng paborito niyang beans at Haw Flakes habang nakatapat sa tv. Wala kayo sa kuya ko, meron pa talaga siyang notebook na listahan ng mga pamagat ng kada episode. Mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, talaga naman kapanapanabik ang bawat eksena at talagang tutukan mo ang bawat sandali (teka medyo OA ba ang line na yun?). Dahil sa Ghost Fighter na yan, hindi na mautusan ang kuya ko, ako na lagi, pati mga pagkakamali niya sakin sinisisi….ako ako parati na lang ako, ako na lahat, wala na kong ginawang tama hanggang kelan ako magtitiis sa paghihirap na ‘to. Pero mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, buti na lang at dalawa ang tv namin noon dahil kung hindi nagkaroon na ng digmaan pandaigdigan sapagitan ng kuya at ate ko dahil sa teleserye nila Claudine, Jolina at Thalia sa dos noong mga panahon na yun. Mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, ano bang istorya ng Ghost Fighter? Sino pa bang hindi nakakaalam sa kwento ng Ghost Fighter!? Hanggan ngayon ba hindi mo pa rin alam ang istorya ng Ghost Fighter!!!? Kung binabasa mo to para malaman mo ang kwento ng Ghost Fighter pwes sinasayang mo lang ang oras mo.

POKEMON

61194-pokemon-pokemon (1) Serebii-net-s-Official-Advent-Wallpapers-pokemon-17922352-1024-768 (1) Pokemon-pokemon-942814_1024_768 (1)Ang Pokemon na yan, ang walang kamatayang Pokemon na yan Grade 5 pa ko may Pokemon na, naka-gradute na ko ng elementary may Pokemon pa rin, Grumaduate na ko ng highschool may Pokemon pa rin. Lintek na Pokemon na yan, college na ko may Pokemon pa rin hanggan sa nagkatrabaho hindi pa rin nag-eevolve si Pikachu, ‘maryosep! Nung bata ako super fan ako ng Pokemon, tuwing Biyernes ng gabi ‘to pinapalabas noon. So kung meron na ‘tong 542 episodes at isang beses lang ipapalabas sa isang linggo aba’y aabutin mahigit sampung taon. Ang totoo niyan ay saulado ko rin ang opening themesong neto at maging ang rap ending song neto,

♩♪ Bulbasaur, Jiglyuff, Charmander, Kabuto… Raticate, Snorlax, Magicarf, Squirtle… Ponyta, Rapidash, Pigey, Pigeotto! Gonna Catch’em all (2x)♩♪…

Suki rin ako sa tindahan ng kapitbahay namin noon dahil ako ata ang nakaka-ubos ng paninda nilang Pokemon pogs, text, coloring mini booklet at marami pang ka-ek-ekan collectibles.  Dumating ang mga araw na hindi ko na nasubaybayan ang episode nito hanggang isang araw binuksan ko ang tv at sumakto sa Pokemon. Hindi ko na makita sila Bulbasaur, Charmander at Togepi… mukhang hindi na ko updated at nagkaroon na pala ng labindalawang series ‘to. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ng ending ang Pokemon animated series o kung aabutin pa ng salinlahi bago pa maging Pokemon Master si Ash.

DRAGON BALL Z

dragon-ball-revenge-of-king-picallo-cast-of-characters-screenshot  dbz-dragon-ball-4475350-512-384

download (3) (1)

Ito Dragon Ball o Dragon Ball Z o Dragon Ball Kai o Dragon Ball GT… hay!!! Napakadaming season. Nagsimula ang istoya nito nung magkita sina Bulma at ang batang unggoy na si Son Gokou sa tapat ng puno ng Higera. Kulitan portion ang naganap dahil ayaw ibigay ni Gokou ang kanyang 4-star Dragon Ball kay Bulma. Nagdesisyon silang magtulungan na lang sa paghahanap sa mga Dragon Balls at dun nila nakilala ang iba’t ibang mga bidang tauhan na kanilang mga naging kaibigan. Madaming din silang naging kaaway at nakalaban ni Gokou mula kay Pilaf, Red Ribbon Army, Kawpaytek, Picollo Sr., hanggang kay Vegeta, Raditz, Freeza, Majinbuu, Super 17 at madami pang iba. Simula nung bata pa si Gokou hanggang sa mag-kaanak na, mamatay, muling nabuhay hanggang sa nagkaapo at muling bumata ay gamit na gamit nila ang mga Dragon Balls. Dahil sa naging abusado ang mga tauhan sa pagamit ng mga Dragon Balls (na kung saan natutupad ang anumang hilingin mo) ay hindi na kinaya ni Shenron (Shenlong) ang pang-aalipusta sa kanya kaya kumawala ang pitong masasamang halimaw (negative vibes) na sumisimbolo sa bawat Dragon Balls at ito naman ang nagsasik ng kasamaan. Humantong sa pagiging Utra Mega Super Duper Saiyan for all season fusion technique sina Gokou at Vegeta bago matalo ang pesteng kontrabidang dragon. Matapos nilang matalo ang Ultimate kontrabida ay humirit pa si Gokou kay Shenron ng kahilingan na buhayin ang mga namatay sa laban at yun na ang naging kahuli-hulihang hiling na tinupad ni Shenron. Nalungkot ako bigla nung mapanuod ko yung last episode nito. 😐

Marami pang mga anime na kinahumalingan ko noon Malay mo maisipan ko ulet i-blog ang iba pa at magkaroon ng part 3. Pero sa anim ng nai-blog kong anime tingin ko alam niyo na ang PINAKA-paborito ko. 🙂

This entry was posted in Listahan, Pagkabata and tagged . Bookmark the permalink.

2 Responses to Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2)

  1. Pingback: Paboritong Animé (Part 1) | JUAN MALAYA

  2. millicent nadine says:

    meron pa… Lupin the III, Flame of Recca, Beyblade, Crauh gear, Digimon, Voltes V, Daimos, Cyber Kero-chan, Crayon Shin chan, Gate Keeper, Yu-Gi-Oh, Super Yoyo, Angelic Layer, Super Sonic, Monster Rancher, and etc… etc… etc… ^_^

Leave a comment