Ano nga ba ang Silbi ng mga Ipis sa Mundo?

????????????????????????????????????????????????????
Hindi ko rin alam kung bakit umabot sa puntong pati ipis ay magagawan ko na ng blog. Minsan hindi ako makatulog kakaisip kung ano ba talaga ang silbi ng mga ipis sa bahay. Para mambulabog sa mga taong mahimbing ang pagkakatulog o para payamanin ang nagbebenta ng mga insect repellent?

Ang mga ipis ay parang si John Lloyd Cruz; tinitilian ng mga babae.

Isang gabi habang nanunuod ako ng pelikulang The Purge, sa kalagitnaan ng makapigil hiningang tagpo ay may mag-dyowang ipis pumasok sa kwarto ko. Gumana ang adrenaline rush ko dahil sa mahaharot na mga ipis na nagliparan. Ninja moves.  Alam niyo na kung anong sunod na naganap.

?????????????????????????????????????????????????????????

Ang mga ipis ay parang mga horror movies na hindi naman nakakatakot; gugulatin ka na lang na bigla-bigla may susulpot kung saan.

Hindi ako kombinsido sa paliwanang na may kinalaman sila sa nitrogen cycle blah blah blah. Wala naman akong pakialam doon dahil gusto ko yung mismong mga mata natin ang makakita ng naitutulong nila sa paligid. Bakit wala nakalagay sa mga Science textbook na minsan ay naging bahagi sila ng ecosystem?

Sana isinama man lang ang ipis sa istorya ng langgam at tipaklong, kahit kontrabida o may eksenang napadaan lang sila. Kahit anong kwentong pambata at alamat ay hindi sila nabanggit o nabigyan ng pagkakataong mapasama sa mga nursery rhyme.

Isipin mo, posible nga ba na mawala sila? Tulad nga ng sabi nila, matagal nang nabuhay ang ipis sa mundo at base sa pag-aaral kahit patamaan pa sila ng atomic bomb at nuclear radiation ay mabubuhay pa rin sila kaya bakit mangangamba tayo kung mawawala sila sa mundo? Baka mauna pa tayo.

Sumunod na gabi, nanunod ulit ako ng pelikulang The Purge(part2), tapos ay bigla kong naisip, ano kaya kung magkaroon ng isang araw sa Pilipinas na maging legal ang pagapatay sa ipis. Ibig kong sabihin ay yung magkakaroon ng isang selebrasyon o pagdiriwang na parang fiesta para pumatay ng mga peste. Kung may Easter Sunday na hanapan ng itlog, bakit hindi magkaroon ng hanapan ng ipis at padamihan ng mapapatay? Sang-ayon ba kayo? Exciting.

Naalala ko ang pinatay kong ipis noong isang gabi, hindi ko pala naitapon sa labas ng bintana. Binalikan ko ang pinangyarihan, nang nakita ko ang ipis na nilalanggam na, dun ko lang nalaman na may silbi pala sila sa mundo. Meron din palang nagkakainteres sa kanila sa katawan nila.

Nitong mga nakaraang araw habang busy ako kaka-Facebook ay nakita ko ang isang video na lalong nakapagpabago ng aking paniniwala na walang kwenta ang mga ipis. Ito ang ibabahagi ko sa inyo:

Advertisements
Posted in Pasumala | Leave a comment

Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Natanggap sa Inapplyang Trabaho

Resume-Cartoon_000

Graduation time! Panahon na naman ng mga sandamakmak na resume na magliliparan papunta sa iba’t ibang kompanya. Bukod sa mga nagsipagtapos na naghahanap ng trabaho idagdag pa dyan ang iba pang empleyado na naghahangad ng mas mataas na sahod o di kaya’y mga empleyadong nawalan ng trabaho dahil sa nabuwag na proyekto o di kaya’y ayaw lang sa amo. Hindi madaling maghanap ng trabaho lalo na sa panahong marami kang kakumpetensiya. Pasa doon, pasa dito, email sa, email kay, punta sa, punta pa, nakakapagod na biyahe at nakakatuyot ng utak na mga exam.

Bukod sa nakalimutan mong magdala ng ballpen, narito pa ang ilan mga posibleng dahilan kung bakit hindi ka nakapasa sa inapplyang trabaho na maari mo ring gawing basehan upang mas lalo mo pang galingan sa mga susunod na pag-aapply o mas lalo mo  pang galingan ang paghahanap ng ma-aapplyan.

1. Binagsak mo ang exam

Hindi mo naman sinasadya, kaya sabihin na lang nating BUMAGSAK ka sa exam. Hindi mo rin kasalanan kung hindi mo naman talaga alam ang synonyms ng ‘gargantuan.’ Kaya okay lang yun, 1 point lang naman yun, eh kaso yung mga sumunod na words ay tenebrous, malapropism, estivation, pabulum, unambulistfugacious…

Next page, math problem: A grid with 3 rows and 52 columns is tiled with 78 identical 2×1 dominoes. How many ways can this be done such that exactly two of the dominoes are vertical? Okay next page… kunwaring di mo na lang nakita ang part na yan at dumating sa puntong sana hindi ka na lang nag-apply sa posisyon na yun. Pero dahil pumapaloob sayo ang pagiging optimistic, tuloy pa rin ang exam.

Next page, abstact reasoning. Uy, medyo madali lang tignan sa umpisa, pero nakakatuyot din ng utak pagsineryoso. Minsan hindi ka sure sa mga sagot mo kaya wild guess na lang ang ginawa mo, hula-hoops! Kung anong tinibok ng puso mo ay yun na lang ang ginawa mo. Todo bilog ka sa mga sagot mo at nang matapos ka ay saka mo lang napansin na may nakabukod palang answer sheet.

2. Hindi ka nakapasa sa HR interview

Hindi ka nagreview sa mga posibleng itanong sa’yo tulad na lamang ng ‘How do you see yourself 5 years from now?’ Dahil ang sinagot mo ay ‘slim.’ Sandamakmak ang nilagay mong impormasyon sa resume mo at inabot ng 5 pages kaya wala ka ng naisagot nang sabihin niyang ‘Tell me something about yourself that are not mentioned on your resume.” Malikot ang mga mata mo habang nagsasalita at pinapakita mong kinakabahan ka dahil wala ka masayadong baon na english word tulad ng ‘dynamic,’ at ‘enthusiasm’.  Kalimitan sa mga tanong nila ay susubukan kung gaano ka-active makinig, kung paano ka sumagot at kung anong isasagot mo base sa iyong mga karanasan.

3. Hindi ka nakapasa sa Final interview.

Una sa lahat, late ka. Pangalawa, hindi consistent ang mga sagot mo o hindi tugma sa mga nauna mo ng sinabi. Hindi ka type ng head officer, project manager, o ng group leader dahil gusot gusot ang suot mong longsleeve. Maari ring ang hanap nila ay ‘immediate’, yung pwedeng magsimula agad agad at ayaw nilang mag-antay ng 4-week notice tulad ng iyong naunang nasabi. Mataas ang expected salary mo at hindi nila kayang tapatan. O di kaya’y mas kailangan nila ng may maraming karanasan tungkol sa posisyon. May sablay kang sagot na nasagot ng maganda ng mga kasabayan mong nag-apply, tulad ng ‘What brings you here?‘ dahil ang sinagot mo ay “taxi”.

4. Hindi ka Nakapasa sa Medical Exam

Mahigpit ang anumang kompanya tungkol sa kalusugan ng mga kukunin nilang empleyado kaya kung hindi ka makakapasa sa medical exam o makikitaan ka ng anumang sakit na makakaapekto para magamit mo ng madalas ang ibibigay sayong HMO, sorry na lang at baka daw ikalugi nila. Isa pa, baka makahawa ka pa ng ibang empleyado kawawa naman sila. Kalimitan sa mga hindi nakakapasa ay nakikitaan ng problema sa baga. Magpagaling ka muna, wag mong itaya ang kalusugan mo, stay positive! Madami pang trabaho dyan.

5. Walang nag-refer sa’yo 

Mas malakas ang hatak kung may kakilala ka sa loob ng kompanya at kung ni-refer ka nila. Kaya malaki ang chance na makuha ang mga kalaban mo sa posisyon na ni-refer ng mga taga loob.

6. May nag-refer sa’yo

Kung may nag-refer sa’yo, may chance na hindi ka rin naman makuha dahil sa laki ng referral bonus/incentive na makukuha ng empleyadong nag-refer sa’yo at baka ikahirap ng kompanya kaya mas pipiliin nila ay yung kung saan sila makakatipid – doon sa walang nag-refer. HAHA! Ang gulo ng mundo nu? Pero sariling haka-haka ko lang yun.

7.  Diskriminasyon

Hindi ka shortlisted sa una pa lang dahil hindi naman kilala ang pinanggalingan mong eskwelahan. O di kaya ay single ka at ang priority nila ay yung mga walang anak at lalong hindi buntis. Kung minsan hindi na akma o ayaw na nila sa edad mo para sa posisyong kailangan nila. Kapag na power trip ka at nadiskartehan nilang pagbasehan ang estado ng iyong pagmumuka, hindi ka mapipili dahil ang hanap nila ay yung may pleasing personality pero ang kahulugan sa kanila ay ‘good-looking’.

8. Hindi Naman Talaga Hiring

Nakapasa ka sa exam at HR interview pero napansin mong hindi ka na tinawagan, tinext o in-email pagkatapos. Bakit? Dahil kung minsan ay hindi naman talaga sila hiring.  Syempre, para may magawa lang ang mga HR personnel bukod sa paglalaro ng ‘MMM Fingers‘, kuha lang sila ng kuha ng mga aplikante. Kung minsan kumakalap lang sila ng mga impormasyon na parang nagse-survey. Tatanunging ng basic pay at anong mga benefits, para malaman nila kung angat sila sa ibang kompanya lalo na sa pinanggalingan mo. May kamahalan din ang binabayad nila sa Jobstreet at jobsDB kaya kailangan masulit nila ang bayad at panay post pa rin automatic ang posisyong hindi na kinakailangan. Ang dami ko ng nasabi pero ang lahat ng yun ay pawang imahinasyon ko lang.

Minsan ang paghahanap ng trabaho ay parang paghahanap ng tunay na pag-ibig. Mahirap makatagpo ng para talaga sayo. Minsan paasahin ka lang, akala mo yun na, sa umpisa masaya ka pang nakikipag-usap sa phone hanggang sa hindi na tatawag at unti-unti ng mawawala at iiwan ka sa ere, masasaktan ka lang. Teka, ano ‘tong mga pinagsasabi ko.

Pero sa kabilang banda, normal lang naman na hindi ka makapasa, dahil kung hindi para sayo malamang may mas maganda pang plano si God para sayo.  Yung mas kapatdapat para sayo, mas makakaintindi o makakaunawa sa lahat ng mga napagdaanan mo. Teka lang, lumalayo na…

Bago ka pumunta sa exam o interview, siguraduhin mong nakapag-review at research ka tungkol sa kompanya at posisyong inaapplyan. Tungkol sa mga tips sa pag-aapply, benefits, working environment ng isang partikular na kompanya ay maganda mag-research ka muna sa Pinoy Exchange ng mga usapan ng iba’t ibang ang mga aplikante tungkol sa kanilang naging karanasan. Dahil marami kang matutuklasan doon na mga bagay na pwede mong maging basehan sa iyong mga desisyon.

Hindi masamang itry, at hindi mo kailangang bilangin kung ilang beses mong sinubukan. Ang mahalaga ay hindi mo pinalagpas ang oportunidad at sumubok sa malinis na paraan.

Posted in Lipunan, Listahan | 2 Comments

TOP 100 Pinoy Pick-up Lines

cheesy

1. Taxi ka ba? Kasi habang tumatagal lalo akong napapamahal sayo.

2. Pag mayaman na ko, ititira kita sa mansyon ko. Pero ngayong mahirap pa ko, dito ka muna sa puso ko.

3. Hindi na ako gagamit pa ng GOOGLE, ….dahil nung nakilala kita, the SEARCH is over.

4. Para tayong packaging tape saka balahibo sa legs, masakit paghiwalayin.

5. Ang ingay mo ah! Pag ikaw di pa nanahimik tatakpan ko na yang bibig mo.. NG LABI KO.

6. Nung bata ako andami kong gusto, ngayon IKAW na lang.

7. Sana piso ka na lang sa kalye, para pagnakita kita, akin ka nlang.

8. Masarap maging TAO, pero mas masarap maging TAYO.

9. Never pa kitang napanaginipan, kasi wala ka nman sa utak ko dahil palagi kang nasa puso ko.

10. Dalawa lang naman ang bisyo ko.. Malasing sa pagmamahal mo at isugal ang lahat para sayo

11. Pag ikaw ang kasama ko…Tinatamad na ako…Kase ang sarap magpahinga sa piling mo.

12. Para kang holdaper. Lahat ibibigay ko sa yo, wag mo lang akong saktan.

13. Sana naka-off ang ilaw, para tayo nalang mag-on.

14. Sasali ka ba sa Marathon? Parang pinagpapractisan mo isip ko ah, takbo ka ng takbo!

15. Sana hacker na lang ako para HACKIN ka na lang.

16. Sana SIBUYAS nalang ang PUSO ko para iiyak ang sino mang dudurog nito.

17. Ang puso ko parang salamin ,ilang beses mo man basagin pag tiningnan mo nandun ka pa rin.

18. Remote control ka ba? Kasi kahit malayo ka natuturn on mo ako eh.

19. Aanhin ko pa ang calculator…. kung sayo palang solve na ako.

20. Alam mo bang para kitang password, kasi akin ka lang at hindi kita kayang ipamigay.

21. Hindi mo man solo ang INBOX ko…ikaw lang naman ang laman ng SENT ITEMS ko.

22. Normal naman akong tao. Pero bakit pag iniisip kita, Nababaliw ako?

23. Sa lahat ng book isa lang ang gusto kong angkinin. ang ti-BOOK ng puso mo!

24. Ang pera ginawa para gastusin. Ang pagkain ginawa para kainin. Sana ang puso mo ginawa para sa akin.

25. Hindi ka lang nangunguna sa NEWS FEED ko, MOST RECENT ka na sa isip ko, TOP NEWS ka pa sa PUSO ko.

26. May MALI ba sa ‘ken? …hayaan mo na may TAMA naman ako sayo.

27. Sana sa susunod na gising ko wala ka na sa isip ko. nandito ka na sana sa tabi ko

28. Para kang Gas Station, u fill me up and keep me going

29. Sana naging pwet na lang din ako ng kaldero… para lagi akong kini-KISS KISS.

30. Stapler ka ba? Ako kasi yung papel na handang masaktan makasama ka lang.

31. Dahil sa maghapon ka patakbo takbo sa isip, ayan nakarating ka tuloy sa puso ko.

32. Sabi nila LIBRE LANG MANGARAP… libre ka ba? Ikaw kasi pangarap ko eh.

33. Screw ka ba? Kasi habang umiikot ka sa isip ko, mas lalo kang bumabaon sa puso ko.

34. Para tayong nasa see-saw, kasi when ur not there, I’m down.

35. Para kong isda kapag nakatingin sayo… walang kurap

36. Gaano man karaming alak ang inumin ko. Hindi yun mapapantayan ng tama ko sayo.

37. Para kang birthday ko, kasi nung dumating ka doon na nagsimula ang buhay ko.

38. Kahit wala ka sa Top News at hindi ka Top Trend, dont worry you’re on TOP of my everything 🙂

39. Gusto kong MAPAG-ISA!! …ang PUSO nating DALAWA !

40. Dati gusto lang kita maging friend, ngayon gusto na kitang maging cousin… cousintahan

41. Ang mundo, umiikot sa araw, pero ang mundo ko umiikot sayo ARAW-ARAW.

42. Kung may LOVE button sa status mo, laspag na mouse ko kakaclick nun.

43. Kung hindi ka tumatakbo sa isp ko, malamang nagpapahinga ka sa puso ko.

44. Tubig ka ba? Ako kasi yung isda at di ako mabubuhay ng wala ka.

45. Akala ko sa H nagsisimula ang HAPPINESS, bakit yung akin nagsisimula sa U.

46. Nahihilo ako… pinapaikot mo kasi ang mundo ko.

47. Ahh miss pwede ba kitang ipagtimpla ng kape? Corny kase mag I love you eh

48. Para kang I.D. ko, kasi kapag nawala ka, ALAM NILANG AKIN KA!

49. Wag mo na kong hanapin sa Dictionary, kasi alam mo namang IKAW ang MEANING ko.

red-love-heart-white-arrow

50. Hindi ako pwede sa Saturday, hindi rin ako pwede sa Sunday… SA’YO lang ako pwede.

51. Jeep ka ba? Kasi PARA PO ako sa’yo.

52. Iiyak ka ba kapag namatay ako? … pwes umiyak ka na… dahil PATAY na PATAY na ako SA’YO.

53. Isang feeling lang naman ang gusto ko eh… yon ay ang maka-FEELING ka.

54. Tubig ka ba? Ikaw kasi ang bumubuo sa pinaka-malaking bahagi ng mundo ko.

55. Kailangan ko ng matutong mag-BUDGET, napapaMAHAL na kasi ako sayo.

56. Ang galing pala mag-bake ng mommy mo… cuz you’re a cutie pie.

57. Pinuntahan ko na ang bawat kanto ng kama ko. Pero wala talaga akong makitang komportableng posisyon …kundi sa tabi mo.

58. Sipon ka ba? …kasi lagi kang nandyan pag umiiyak ako.

59. BUWAN ka ba? …kasi ARAW-ARAW namimis kita.

60. Engineer ka ba? Gusto kasi kita makasama engineer future.

61. MALL OF ASIA ka ba? …kasi ayoko MOA-lay ka sa piling ko eh.

62. Kung iniisip mong mahal kita, think TWICE! MAHAL na MAHAL kaya.

63. Bahala ako sa BUHAY KO ha? ha? …edi ako na BAHALA SAYO.

64. Utot ka ba? …kasi U-TOT me how to love eh.

65. Sana pasyente mo nalang ako, para masabi ko ang lahat ng nararamdaman ko sa’yo.

66. Yuck yuck ka Jan? YUCKapin kita eh!

67. Hindi ko pinangarap na maging CASHIER… Ayoko kasing MAY-CASHIER sa PUSO MO.

68. ARMY ka ba? kasi you AR-MY one and only.

69. Sayo na tong relo ko oh, basta sa akin lang yang oras mo.

70. Mermaid ka ba? …kasi pag wala ka SIRE NA araw ko.

71. Nine ka ba? …kasi NINE-love na ‘ko sayo.

72. Alam mo lagi kang hinahanap ng mga mata ko… kasi EYE love you.

73. Pwede bang makuha number mo? Para may dahilan na ko para mag load.

74. ISSUE ka ba? …kasi all I want for Christmas ISSUE.

75. Paano mo masasabing di kita MAHAL? Kung sa bawat pag gising ko IKAW ang hinahanap ko at hindi ang ALMUSAL.

76. Ang lahat ng bagay ay may hangganan, parang AKO… hanggang SAYO lang.

77. Kung bulaklak ka, pinitas na kita. Kung unan ka, niyakap na kita. Kaso, naging tao ka, kaya minahal nalang kita

78. Kadiliman ka ba? …kasi kapag nandyan ka wala akong nakikitang iba.

79. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinaka ayoko! …pinaka-ayokong mawala sa buhay ko!

80. Kung sa tingin mo pinaglalaruan lang kita try mong pumasok sa puso ko tignan mo kung may kalaro ka.

81. Ayoko na ngang mag relo, kasi lahat ng oras ko, ibibigay ko na sayo!

82. Anong pagkakaiba ng bahay niyo sa puso ko? Simple lang, sa bahay niyo may kasama ka, sa puso ko nag-iisa ka.

83. Hindi man ako ang Royal Prince, pwede mo naman akong maging Loyal Prince.

84. Reporter ka ba? Pakibalita naman sa buong mundo na mahal kita.

85. Magaling ka ba sa Filipino? Itatanong ko lang sana, kapag pinagsama ba ang panghalip na IKAW at AKO posible bang maging TAYO?

86. Ang pag-ibig ko sayo ay parang paghinga. Bakit ko ititigil kung alam kong hindi ko kaya?

87. Kapag sinubukan mong silipin ang utak ko… para ka lang tumingin sa mga selfie mo.

88. Huwag kang umasta na parang ang yaman-yaman mo. Eh isa ka lang namang hamak na tambay dito sa puso’t isipan ko.

89. Kapag nakikita kita nawawalan ako ng gana… Ganang tumingin sa iba.

90. Sana antok na lang ako para madalaw kita gabi-gabi.

91. Kung sa gitara maririnig ang musika. Sa puso ko maririnig mong mahal kita

92. Sana pera na lang ako… para kung mahulog man ako sa’yo …sasabihin mong “Akin yan

93. Sana ang pag-ibig mo ay parang takbo ng orasan… Laging pakanan… walang kaliwaan

94. Sabi nila pag dinilaan mo daw ang pagkain mo wala ng aagaw sayo.. Dilaan din kaya kita, Para hindi ka na maagaw ng iba?

95. Alam mo bakit maalat ang dagat? Kasi lahat ng ka-sweetan napunta sa’yo

96. Sa dinadami ng hayop sa farm, COW lang ang gusto ko.

97. Kelan ang birthday ko? Nung araw na maging tayo, kasi dun pa lang nagsimula ang buhay ko

98. B: Pwede mo ba ako samahan?
G: san?
B: samahan HABANGBUHAY.

99. G:Tikman mo tong cake. Masarap. Gawa kasi ng nanay ko.
B: Ikaw nalang titikman ko.Gawa ka rin naman ng nanay mo eh

100. G: andami mo namang babae! sino ba talaga laman ng puso mo?
B: ewan ko! ikaw may-ari nito tapos ako tatanungin mo

Posted in Listahan | Tagged , | 1 Comment

Para Sa Homeless Romantic

homeless 2

Mahal mo siya, mahal ka niya… mabubuhay ka ba niya?

Sa panahong pabata na ng pabata ang mga nabubuntis at padami ng padami na parang rabbit ang porsyento ng mga batang ama at ina, ano nga ba ang dahilan ng paglobo ng bilang nila? Sino nga ba ang dapat sisihin? Nagkulang ba mga ang kanilang mga magulang sa paggabay sa kanila? Nakaimpluwensya nga ba ang barkadang kanilang nakakasama? Nakaapekto ba sa kanilang mga kinikilos ang mga napapanood nila sa telebisyon at pelikula, mga librong nababasa o mga nakikita sa internet? O sadyang ang kanilang pagiging mausisa o ang tinatawag na “curiosity” ang naging daan upang masadlak sila sa sitwasyong hindi pa nila lubusang napaghandaan.

Tila nagiging normal na lang sa panahon ngayon ang pagbubuntis ng mga neneng na may murang edad. Noon ang “virginity” ang pinaka-importanteng bagay na maibibigay ng mga dalagang Pilipina sa kaisa-isang lalaking makakasama nila habang buhay. Ngayon, utusan mo lang magpaload sa kanto pagbalik hindi na virgin dahil sa pagmamadali ng mga kabataang mamulat at magkaroon ng maagang relasyon ay nag-iba na ang ihip ng hangin. Ang mas malala pa ay nabubuntis sila ng wala namang karelasyon at isisilang ang bata na walang kikilalaning ama dahil kalimitan ay nauuwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Isang biyaya ang pagkakaroon ng supling ngunit ito’y magiging isang pagkakamali sa mata ng lipunan kung wala pa sa tamang panahon ang pagbuo nito.

Para sa mga menor de edad at kasalukuyan pa lang namang nag-aaral, bago ka mambuntis o magpabuntis, isaalang-alang mo ang iba’t ibang mga bagay na maaring maapektuhan o magiging resulta ng iyong kapusukan. Kailangang mong pag-isipang mabuti ang bawat desisyon at iyong mga kinikilos.

  • Kung hindi mo mapigilan magkaroon ng isang relasyon, isipin niyo rin ang inyong limistasyon lalo na kung kayo ay nasa maagang edad pa lamang. Isipin mo kung kaya mo bang mag-alaga ng bata. Kaya mo bang buhayin ito? Isang malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak lalo na sa mga kabataang kulang pa ang kaalaman sa pag-aalaga ng bata.

pangaral

  • Nagpakahirap ang mga magulang mo na buhayin at pag-aralin ka hindi para lumandi at magpalandi. Noon ay ayaw na ayaw ka nilang padapuan sa lamok, kaya ngayon subukang mo namang huwag magpadapo sa mga hayok. Sa bandang huli ay sa iyong mga magulang ka pa rin aasa at sila pa rin ang tutulong sa’yo para maalagaan ng ayos ang batang magiging bunga ng kalandian katigasan ng mga ulo niyo.
  • Sabi nga sa kanta ni Hazel Faith Dela Cruz, everything takes time. Excited ka bang madagdagan ang populasyon ng Pilipinas? Hindi mo kailangang magmadali. Hindi mo kailangang makiuso sa mga kapitbahay niyong sandamakmak ang pinapasuso.
  • Tandaan mo na ang buhay mo ay hindi isang Pinoy telenobela nasa dulo’y palaging may happy ending at mga pakitang bloopers. Huwag ka ring magfeeling na kontrabida ang lahat ng mga taong hahadlang sa inyong pagmamahalan. Huwag kang umastang aping api ka dahil ginusto mo rin yan(unless na-rape ka). Sundin mo ang mga payo ng mga nakakatanda sa’yo lalo na ang mga taong nag-aalaga at mag-aalala sa magiging kalagayan mo.
  • homeless3May matinong pagkakakitaan ka na ba para mapagkukunan mo ng pambili ng gatas at diaper ng anak mo? Ang trabaho niyo ba ay kayang sumabay sa mga nagtataasang pangunahing bilihin tulad ng bigas; kasama pa ang mataas na singil sa kuryente; pagtaas ng gaas, pamasahe, sardinas at Angel’s burger? Idagdag pa ang iba pang pangangailangan ng bata mula sa mga damit at sapatos na umiilaw hanggang sa mga gamot at regular na pagpapacheck-up sa doktor. Kaya ka nga bang buhayin ng mapapang-asawa mo o ang nasa isip mo ay “kaya naman kaming buhayin ng mga magulang ko.”
  • Kaya mo bang bigyan ang anak mo ng engrandeng 1st birthday party? Dahil ang unang kaarawan ay isang importanteng okasyon na pinahahandaan ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Yung tipong makakapagpasara isang street ng lugar niyo at makakayang magpakain sa isang batalyong kapitbahay at kamag-anak.
  • Handa ka na bang mapuyat gabi-gabi sa pagtitimpla ng gatas ng anak mo at sa umaga’y ipapakalong mo sa tatay mong hindi natutuwa sa’yo. (Teka parang kanta yun ah)
  • Mawawalan o malilimitihan na ang oras na iyong paggala at magkapag-party  party sa mga kaibigan mong kasing edad mo. Huwag kang mag-astang dalaga pagkaluwal mo sa bata dahil hindi matutuwa ang iyong ina dahil siya ang pagod sa pag-aalaga.

baby

  • Handa ka bang harapin ang lipunang puno diskriminasyon. Dahil kahit ano pang paliwanag mo hindi nila ito kailangan pang malaman at wala silang pakialam kung naging broken hearted ka. Kung ano ang kanilang nalaman at nakita tungkol sa’yo, dun ka na nilang sisimulang huhusgahan. Dahil sa mata ng kahit sino, isang pagkakamali ang iyong napasok. Sa kabila ng kung ano mang magiging tingin sa’yo ng karamihan ay huwag na huwag niyong babalakin na ipalaglag ang bata.

Ang mga nabanggit ay ang ilan lamang sa mga bagay at tanong na dapat mong pag-isipan. Ang maagang pagbubuntis ay nangangahulugan rin ng pagkakaroon na sariling pamilya na may kaakibat na responsibilidad. Kung ang isa sa inyo ay mapanghihinaan ng loob ay posibleng mauwi rin kayo sa hiwalayan at walang buong pamilyang kakagisnan ang inyong anak.

Napakalaki ng ginagampanan ng mass media sa paghubog ng kaisipan at pag-uugali ng mga kabataan ngayon, idagdag pa dito ang pag-usbong ng internet at social media na naging isa sa mga daan upang mamulat ang mga kabataan na makilala si Maria Ozawa sa mga bagay na taliwas sa moralidad. Isama pa ang impluwensyang nakukuha sa mga barkada at sa kakulangan sa parte naman ng mga magulang. Ngunit sa bandang huli ay nasa sa mga kabataan pa rin nakasalalay ang lahat. Nasa kamay nila ang magiging desisyon nila sa kung anong buhay ang kanilang tatahakin. Kailangan lang nilang magabayan na mga matitinong tao sa paligid higit na ng mga taong nakakasama nila ang loob ng tahanan.

__________________

Kaunting Kaalaman:
Ang “Works at: Eh di Sa Puso Mo” na makikita madalas sa mga Facebook account ng mga jejemon ay isa mga sintomas o senyales na maari siyang makaranas ng maagang pagbubuntis. Ito ay batay na rin sa huling SWS survey. Kung may kaibigan o kamag-anak kang ganito ipagbigay alam agad sa kanila, ilayo sila sa kalandian kamahamakan.

Posted in Lipunan | 2 Comments

Ang Mga Klase ng Taong Dapat Mong Iwasan… Dapat Nga Ba?

Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba’t ibang tao sa ating paligid, mapa-eskwelahan man o sa lugar na ating pinagtatrabahuhan ay may mga makikilala tayo at makakasamang mga taong magbibigay sa atin ng kasiyahan, makakaimpluwensiya sa atin para magkaroon ng positibong pananaw at mga taong makakaimpluwensiya sa atin para magkaroon negatibong tugon o reaksyon dahil sa kanilang mga negatibong katangian.

Hindi mo sila dapat labanan, hanggat maari ay kailangan mo lang silang iwasan. Ngunit ang pag-iwas nga lang ba ang solusyon o nakadepende pa rin sa sitwasyon at pagkakataon kung dapat mo pa rin silang pakisamahan sa kabila ng ‘di kagandahang ugali na meron sila?

Narito ang ilan sa kanila:

utang

Mga Pala-utang Na Mahirap Singilin
Sila ang mga taong nadiyan lang sa paligid at nagmamasid sa mga taong madali nilang mauuto mahihiraman ng pera. Normal lang ang mangutang sa oras ng pangangailangan lalo ng kung merong kaibigang matatakbuhan. Ang hindi normal ay ang maging sakit na nila ang pangungutang. Mabuti kung may magandang rekord sa pagbabayad, ang masaklap ay pahirapan ang paniningil sa kanila.

Bakit mo siya dapat iwasan:
Syempre baka utangan ka rin niya at maging isa ka sa mga biktima niya, mahirap na.

Bakit mo siya dapat pakisamahan:
Kung naging biktima ka na niya, aba’y wag na wag mo siyang lalayuan.

bugnot2

Mga Bugnutin
Normal lang sila sa umpisa at hindi mo makikitaan ng anumang sintomas ng pagiging halimaw pagkainis o pagiging bugnutin hanggang sa dumating ang sitwasyon na susubukin ang kanilang pasensya at BOOM! Unti unti mo na siyang makikilala at mapapansin mo na sila din ang mga taong madaling mainis kahit sa mga maliliit o mabababaw na dahilan lamang. May mga pagkakataon na hindi na ito magawang biruin ng mga kasamahan dahil natatakot sila sa magiging resulta kapag ito ay napikon.

Bakit mo siya dapat iwasan:
Hindi siya masayang kasama dahil madalas ay KJ o seryoso at hindi ma-gets ang mga joke na binibitawan mo. Kung minsan ang mga biro ay ituturing niyang isang seryosong bagay na dapat kainisan.

Bakit mo siya dapat pakisamahan:
Kung minsan sa init ng ulo niya ay hindi na niya alam ang mga sinasabi at nawawalan na lamang ng kontrol sa kanilang mga kinikilos kaya kailangan nila ng kaunting pang-unawa mula sa mga taong malalapit sa kanila.

stress- cartoon

Mga Palaging Stress
Ang mga taong palaging stress ay yung mga laging subsob sa gawain; hindi mahilig mag-enjoy sa buhay, yung mga walang “work-life balance” na tinatawag at palaging masakit ang ulo. Kalimitan din sa kanila ay mga hindi organisado at walang time management skills. Ang masaklap ay meron na nga silang ganung skills ay stress pa rin.

Bakit mo siya dapat iwasan:
Nakakahawa sila at kadalasan naghahasik sila ng negative vibes para mahawa ang iba.

Bakit mo siya dapat pakisamahan:
Challenging makasama ang isang taong stressful, dalawa lang  ‘yan, ikaw ang maimpluwensyahan niya o ikaw ang mang-impluwensiyahan sa kanya. Patunayan mo na magkaiba kayong dalawa, ipakita mo ang pagkakaroon ng positibong pananaw at ang tinataglay mong kasiyahan habang tinatapos mo ang iyong mga gawain. Kung naging malala na ang sitwasyon niya, huwag mahiyang tulungan siya, irekomend siya sa nakakataas na posisyon upang mabigyan siya ng karampatang training o seminar hinggil sa ‘stress management’.

brain

Mga Mapanghusga o Judgmental
Sila naman ang mga taong may makikitid na pang-unawa. Malimit silang makasakit ng damdamin ng iba dahil nakabase ang kanilang mga opinyon sa kung ano lamang ang nakikita ng kanilang mga mata at nasaksihan sa isang pangyayari na tapos na. Kung minsan mahirap makipagtalo sa kanila dahil wala silang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili lang nila.

Bakit mo siya dapat iwasan:
Ang ginawa, ginagawa o nagawa niyang panghuhusga sa iba ay posible din niyang gawin sayo.

Bakit mo siya dapat pakisamahan:
Kailangan mayroong magpamukha sa kanya na may mali sa mga iniisip at sinasabi niya. Kailangan niya ng gabay at operasyon para sa utak niyang may makitid na espasyo.

gossip

Mga Tsismoso’t tsimosa
Kahit kelan ata sa kasaysayan ng Pilipinas ay hindi nakatulong ang mga tsismoso’t tsimosa. Una, hindi katiwa-tiwala ang mga kwento nila dahil kalimitang naririnig lang din naman nila ito sa iba ng hindi sadya o kadalasan ay hindi sila ang direktang pinagpasahan ng impormasyon. Minsan ay natatawag din silang mga “usi” o mga usisero’t usisera, ang mga taong mausisa sa mga kapwa, sa mga bagay-bagay o pangyayari sa paligid na wala naman silang kinalaman. Kung minsan sila pa ang nagiging dahilan kung bakit may nasisirang relasyon o may mga taong napapahamak.

Bakit mo siya dapat iwasan:
Sa pelikula at mga telenobela, ang tsismoso’t tsimosa ang madalas unang pinapapatay. Ingat ka dahil baka ikaw ay madamay.

Bakit mo siya dapat pakisamahan:
Magiging updated ka sa mga latest chika at malalaking isyu sa paligid niyo lalo na sa mga topic na may kinalaman kay Kris Aquino.

boast

Mga Mayayabang
May dalawang klase ng mayabang, isang may ipagyayabang at isang nagyayabang-yabangan. Yung nagyayabang-yabangan sila madalas yung mga dinadaan sa biro ang lahat. Yung may ipagyayabang sila madalas yung magpapamuka sayo ng mga bagay na kung saan sila ang angat, sinadya man niya o hindi. Sila yung mga taong pabida sa kwentuhan niyong magkakaopisina o magkakaklase.

Bakit mo siya dapat layuan:
Maiinis kang marinig ang mga kwento at banat nilang may pagka-self-centered. Kung may kayabangan ka ding taglay hindi kayo pwedeng magsama dahil posibleng makaramdam ka lang ng insecurity.

Bakit mo siya dapat pakisamahan:
Hayaan mo lang siya, makinig ka lang sa mga sasabihin niyang kayabangan o pagmamayabang kapag kayo’y nagkukwentuhan, marahil iyon na lamang nakikita niyang paraan para mapalakas ang kanyang self-esteem. Siguraduhin mo lang na nakita mo o maipapakita niya ang bagay na kanyang pinagyayabang at makakatulong ito para sa isang mabuti at may saysay na hangarin.

random

Mga Kinaiinisan mo ng Walang Dahilan
May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag kahit pa ng siyensya, isa na dito ang pakiramdam ng pagkainis mo sa isang tao kahit wala naman silang ginawang masama. Yung pakiramdam ng inis ka lang… tapos. Ang kategoryang ito ay malayo sa mga naunang nabanggit dahil dito ay sa sarili mo nagmumula ang lahat. Siguro ay dahil maraming dahilan kung bakit ka naiinis sa kanya ngunit ito’y maliliit na bagay at detalye lamang, at kapag pinagsasama-sama ay ganun na lamang ang nagiging resulta. Mahirap ipaliwanag dahil nahihirapan kang isa-isahin ang dahilan dahil ito’y mabababaw lamang.

Bakit mo siya dapat layuan:
Huwag mong ipilit ang sarili mo na mapalapit sa kanya dahil baka may magawa kang masama sa kanya na ikaw ang lalabas na kontrabida. Ilayo mo ang sariili mo na makagawa ng hindi maganda sa kapwa.

Bakit mo siya dapat pakisamahan:
Pakikitungo bilang katrabaho o kamag-aral, o kung hindi man, bilang tao. Una sa lahat ay wala siyang ginagawang masama sayo at nararapat lang na pakisamahan mo pa rin siya ng maayos sa sitwasyong kinakailangan.

Posted in Listahan, Pasumala | 2 Comments