Anong Naabutan Mong mga Palabas sa TV Noon?

tv

Lumaki ako sa panahong sarimanok pa ang logo ng ABS-CBN. Uso pa ang Time Quest at Mask Rider Black sa ABC5. Yung panahong hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit lumipat sa GMA7 ang Eat Bulaga at si Mel Tianco. Ginagawa ko pang orasan noon ang RPN9. Sikat pa sa IBC 13 ang Ghost Fighter at Super Boink. English version pa ang Dragon Ball Z na  pinapalabas noon sa channel 9. Sikat din noon yung cartoon na “Flying House” o kung tawagin na ngayon ay “Super Book”.

Hangang ngayon ay saulado ko pa ang chorus ng themesong ng Alas Singko Y’medya. Hindi ko panahon ang John en Marsha pero kahit di ko pa masyadong maalala nakalakihan kong manuod ng Home Along da Riles tuwing Huwebes at ang legendary Okay ka Fairy ko na pinagmulan ng pelikulang Enteng Kabisote 1 to sawang sequels. Hindi ko man naabutan si Ferdinand Marcos ipinakilala naman saken ng mga docu sa telebisyon si Imelda at ang kanyang mga sapatos.

KWENTUHAN SA KANTO

Tigil muna kami sa paglalaro ng mga kaibigan ko kapag nagsimula na ang paboritong cartoon.  Balik sa labas pagkatapos, kwentuhan na parang hindi napanuod nung isa. Bigayan ng umaaktikabong kuro-kuro at mga opinyon na parang mga tatay na nagkukwentuhan sa tapat ng tindahan tungkol sa laban ni Manny Pacquiao.

KALARO 1: Sino ka dun sa <insert Title ng Cartoon>?

KALARO 2: Ah Ako si <pangalan ng bida>

KALARO 3: Ako naman si <pangalan ng isa pang bida>

KALARO 1: Ah basta ako si (pangalan ng bagong pasok na tauhan na may malakas na kapangyarihan) Eh ikaw Juan sino ka? Ikaw si <pangalan ng alalay ng kontrabida, panget, maiitim, payatot at malaki ang tiyan>

*BULLY wonderland*

TELE-BISYO

Noong sumikat si Marimar, ilang sinaing ang nasunog ng ate at nanay ko. Noong sumikat si Rosalinda, tuwang tuwa ako kapag hindi matuloy-tuloy ang graded recitation ng multiplication table dahil sa pakikipagkwentuhan ng teacher ko sa mga co-teachers niya.

Mula sa puso ni Esperanza, nangako sayo na iingatan ka walang hanggan.

Dumating ang palitan ng mga matatalinong opinyon at suhestyon kung sino ang babae ni Hudas sa likod ng trahe de boda. Rated SPG naman ang Monica Brava kaya no comment na lang ako. Ilang estudyante sa mga public schools noon ang tumatakas sa pagiging cleaners makauwi lang ng maaga at makapanood ng Meteor Garden. Hanggang sa pumalaot sila Marina, Marinara, Dyesebel at mga bagong henerasyong sirena tulad ni Aryana. Lumipad sa himpapawid ang mga Mulawin, kasama ang mga bayaning sila Krystala, Captain Barbell at Darna hanggang sa dumating ang mundo ng mga sanggre, ang Encantadia.

Mula sa 5 and Up, Chikiting Patrol hanggang sa sagaran ng tumangkad si Rayver Cruz at nauso ang Matanglawin, naging paborito rin ng ilang mga kabataang tulad ko na manuod ng mga palabas na may kapupulutan ng karunungan tulad na rin ng Sineskwela. Syempre, hindi ko malilimutan ang mga palabas tulad ng Hiraya Manawari, Bayani at Pahina na talagang kapupulutan ng mga magagandag aral.

PALATASTAS PATALASTAS

“Ito ang beat sabay sabay… blah blah blah blah blah….”(with feelings and actions)

Sinong bang makakalimot sa sikat na komersyal noon ng Coca-cola? Noong sumikat yan kulang na lang maalis yung guhit sa palad ng mga kaklase ko sa kaadikan nila.

Kapag naboboring sa mga patalastas ginagawa naming itong laro ng mga kapatid ko noon. Hulaan kung anong komersyal ang pinapakita. Sa loob ng dalawang segundo kailangan mahulaan mo na kung ano o tungkol saan ang komersyal dahil kung hindi ay may makakauna sayo. Tumataginting na pitik sa kamay o sa tenga ang parusa sayo ng kalaban mo.

  Noong bata pa ko, paborito ko noong manuod ng mga TV-shopping shows sa Channel 4, 5, 9, 13 at 21 pero kahit kelan hindi kami nakabili o nagtangkang bumili kahit ilang beses pa nilang sabihing “…but wait there’s more”

TV SHOW SCHED

Ito ang ilan sa mga paborito kong panuorin nung bata pa ko.

7:00pm M-F : Dragon Ball Z 7:30pm MWF –Ghost Fighter TTH –Flame of Recca 8:00pm Monday-Hell Teacher Nube Tuesday- Ranma 1/2 Wesnesday-Master of Mosquiton Thursday-Monster Rancher Friday-Fushigi Yugi (bago mag Pokemon)

Noon, kapag wala akong ginawa, kumukuha ako ng ballpen at notebook. Sinusulat ko dun ang lahat ng mga palabas sa TV (with timeslot) kaya saulado ko lahat ng mga TV shows at kung anong oras ito ipapalabas.

Tuwing gabi uso noon ang: balita – teleserye – sitcom – balita – docu – signing off.

Ngayon ganito na:  balita – teleserye – teleserye pa ulit – isa pang teleserye – last na teleserye na – reality show (seasonal) – balita ulet – docu – super late night show –  signing off (with star-studded MTV of National Anthem)” oh di ba sulit na sulit.

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA

Madami na nga ang nagbago sa telebisyon ng Pinoy. Lumevel up na ang MTRCB. Ilang version na ng “3 o’clock habit” ang dumaan. llang pa-contest na ang nairaos mula sa pagpapadala ng proof of purchase hanggang sa pagpapadala na lang ng txt messages. Ilang komersyal na ang nagawa ni Kris Aquino, Sharon at Aga. Madami na rin ang na-spoof na komersyal ang Bubble Gang, naka-ilang showbiz oriented talk show na si Cristy Fermin at naka-ilang bati na si Lolit Solis sa tv. Napakarami na ring tsinelas ang napamahagi ni Korina, marami na ring CD at jacket ang napamigay ni Willie. Hanggang sa sakupin na tayo ng mga game shows, talent shows at sandamakmak na reality shows.  Marami na ring mga nag-over da bakod na mga artista. Marami na ring mga bata ang kinalakihan na ang pag-aartista at madami pa ang nangangarap sumikat at lumabas sa tv bilang artista.

Malaki ang ginagampanan ng telebisyon sa paghubog ng ating moralidad. Ang ating natunghayan sa ating mga telebisyon sa nakalipas ay nakasama na sa pahina ng ating kamalayan sa lipunan. Patuloy na nagbabago, mas marami pang pagbabago, yan ang telebisyon ni Juan, na isang pangkaraniwan.

Advertisements
This entry was posted in Pagkabata and tagged . Bookmark the permalink.

9 Responses to Anong Naabutan Mong mga Palabas sa TV Noon?

  1. rojan88 says:

    ito ang the best so far. nice insight :). “mukhang tv” ka rin pala hahahahaha. masaya pa talaga ang TV nood di nakakasawa panoorin. hehe

  2. bernardumali says:

    habang binabasa ko, naiinis ako kasi ang mga pinapaood mo ay di hamak na bago sa mga napanood ko lols

  3. Rowjie says:

    Nice one! Nakakamiss ang old days ng Philippine TV. Naaalala ko noon ang aga pa ng mga sitcom. Wala pang soap opera sa gabi.

  4. Mr_SunnySideUp says:

    Reblogged this on ByronYadan.

  5. Jonas Carlos says:

    INABUTAN KO LAHAT YAN MAY KULANG SA LISTAHAN UNG ULTRAMAN BIOMAN MASKMAN MASKRAIDERBLACK NAGING KASAMA SI SHADOW MOON POWER RANGER VOLTRON VOLTERS V MACHINGER Z MAGIC TAKURE ZENKI thundercats
    ANG DAMI PA

  6. jhun says:

    ang pinakasikat nacomercial noon ay ang seiko wallet!marami pang kulang sa mga sinulat mo!! wala ang champoy at ang manok ni san pedro!!na samahan pa ng kwarta o kahon!! noong 80s ang sikat na channel eh 9

  7. G says:

    natuwa ako basahin to. naalala ko ung kabataan ko. comercial dati uso pa ung “more international cigarette” at “seiko ang wallet na maswerte” at patok na patok ang magic takure. at masaya ka pag nalaman mo n kahinaan ng higante ang inihaw na butiki.

  8. lynch arvie says:

    magic takure? diba yun n yung time quest? hindi b? tungkol naman dun s mapupulutan ng aral, wala dun yung mathinik. hndi k mahilig s math no? hahaha!!! naalala ko bago ako pumasok nung elementary nuod muna ng heidi. tsaka anu b yung palabas n cartoons pag malapit n mag pasko? yung may ganitong kanta “saan k man naroroon, sana nama’y kami sama mo nais namin, laruan, libro, damit n pamasko” hehehe!!! tapos yung vr troopers s chanel 5. “dalhin mo ako s mundo ng virtual reality” tsaka yung “jet man” yung merong robot n boksingero. kakamiss maging bata yung tipong tatawagin ka lng pag kakain n… tapos ikaw p yung galit.. hehehe!!!

  9. lynch arvie says:

    pahabol!! anu yung flying house? bakit parang hindi ko kilala yun?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s